Realization sa Manila Trip
1. Ang ganda ng tandem nila
Yun yung nagpapasaya ng araw ko, makita ko lang sila, ay ok na ako. Just merely looking at them, makikita mo kung gaano ka cohesive yung bonding nila. Dun ko narealize, pagkatapos di ng debut na siguro, its time….

2. Maliit ang SM – MOA
Itinatak ko sa isip ko na dahil 35 lang kami ay imposible naming makita ang aking mga bus mates, dahil napakalaki raw ng SM – MOA; pero nakita ko lang rin naman sila sa loob, ibig sabihin maliit nga ang mall na yun, o baka naman ayaw lang nilang mawala.
Sabi ni kuya imposible daw na maikot mo ng isang boung araw ang SM – MOA, pero bakit kami nalibot lang namin ito sa loob ng 15 minutes. Salamat sa “Station 1″. hehe…

3. Napakasarap sumakay sa Bus na puno ng positive energy
Sa bus na yun meron akong mga masasabing talagang “nagdala” sa batch. Maaalala ko na mas gusto ni Kuya ang batch natin, sabi niya yun nung kausap niya yung waiter dun sa Taalena restaurant, kaya nga love na love niya maging photographer natin diba? hindi mangyayari ang pictu-picture na kung saan kompleto tayong lahat kung wala si Kuya.

4. Masarap tumira sa hotel na kung saan kasama mo friends mo.
Bukod sa “condo ambiance” mas masarap kasama ang friends mo sa hotel, minsan lang ‘to nangyayari..iba yung feeling, iba yung excitement kapag kasama mo sila, king pwede ko lang sanang gawing 48 hours ang 24 hours to prolong this moments, lalao na mag ka connect pala yung room namin.
Iba rin yung feeling na inuuwi yung kagamitan mula sa hotel, shampoo, toothcare sets, slippers, plastic bags, laundry bags…pang remembrance sabi ni Kuya.

5. The Philippines is truly a sweet spot of Asia.
Nagawi man ako sa Manila dati, di ko rin ito na appreciate dahil magulo at madumi dito.
Pero salamat ng napalaki kay Kuya naapreciate ko ang Manila, Cavite, Tagaytay at Laguna, dahil sa mga kwento niya every step of the way.
Sa bawat lugar na nadadaanan natin at kinukwento ni Kuya ang kwento sa likod nito, dun ko narealize na ang Pilipinas ay more than the usual nga..totoo nga ang sabi ng Dept. of Tourism.

6. Binago ako ng trip na yun.
Nung umakyat ako pabalik ng Baguio, di na ako ang Reen na bumaba ng Manila noon. Lumaki nanaman ako both personally at professionally. Dala – dala ang mga memories, ideas at happenings na magagamit ko sa pagtahak sa daan ng buhay.

7. Mas ok pala kung ’sang BUS lang
Dati – rati gusto ko convoy ang dating fieldtrip. Maraming bus, maraming studyante, pero narealize ko na mas masaya ang isang bus dahil bawat estudyante ay sama – sama sa pag sha-share ng mga happy moments. Wala yung nahihiwalay sa mga friends nila dahil nasa ibang BUS siya. Walang hintayan ng convoys, at higit sa lahat walang delays.
Mas masaya ang isang BUS lang, because you get to know each and everyone of them along the way…..and that’s the very essence of enjoying life while travelling.
i really miz the trip meyer…. rili…
By: ate sally on October 27, 2008
at 12:40 pm
hehe pati ako. Too bad repitition yung trip this year. same destination, same fare. haaay.
By: meyer on November 1, 2008
at 11:24 am