BOYSHIGH LIFE IS MY H.S. Life
-4 years ako dun
- Class president ako ng 1st at 4th year
- Idol kong guro sina Sir Abuan, Sir Jarata, at Sir Ferrer
- Sinong “hot” na teacher ang nakita mo dun? – Si ma’am Fernandez (sabi nila)
- Noodles, (yung mami) ang favorite kong kainin sa Canteen kapag recess
- 4E, sa tabi ng principal’s office ang pinaka-favorite kong classroom – dahil mabilis tumakas kapag may lindooll….—-takboooo!!!
- Ilang beses din akong pinatawag sa principal’s office, hindi dahil sa deviant behavior kungdi dahil magulo ang classroom
- Si Dimples, Robocop, at Mang Tomas ang mga heart robs na security guards namin
- Mabait ako, kaya hindi ko inaaway yung mga guards
- Hindi ko alam kung gaano kataas ang I.Q. ko
- Sa may guard house ang paborito kong tambayan
- Dismissal ang paborito kong subject
- Hindi nagging masaya ang 4 years ko sa high school dahil walang puno at grass
- 3rd year ako ng magsimula ang pagiging COED ng paaralan namin
- Hindi ako class team, takot ako sa “flying balls”
- Lalaki po ako, at hindi bakla
- Hindi rin ako sipsip – napansin lang ng lahat na may favoritism sa classroom
- Si Von, Ari at ang boung angkan ng 4E (na lagi ako pinapahamak sa principals office) ay mga bestfriends ko
- Madalas din akong makipaghabulan sa mga benches
- Nagvandal din ako sa upuan ko
- Natutunan ko sa High school ang dapat kong malaman sa buhay
- Narealize ko na hindi totoo yung kanta ni Sharon Cuneta na “High School Life”
- Hindi ako pumupunta sa chapel, dahil lagi itong nakasara
- Pumupunta ako sa library para makipagpatintero sa mga newspaper readers doon at para makapagbasa ng “The Unexplainable”
- Pumupunta ako sa clinic kapag wala akong P.E. Uniform
- March 18, 2005 (Friday) gumraduate ako sa High School, yippee!!…simula ng nag sound sa utak ko ang theme song ng Voltes 5
- Pasado lahat ng grades ko
- Masaya ako dahil 3 taong huli ang entry na ito, graduate na ko sa HS 3 years ago…tagal na…2007 na pala…
- Hinahatid ako pero di sinusundo
- Boy scout ako at di CAT
- Pres, daomingsig, daomingsisig, papasig, at lolo ang nicknames ko mula sa mga classmates at guro ko na nagbinyag sa’kin ‘nun
- Hindi ako tumakas nung may rally sa school, dahil mabait talaga ako….saka…uh…uhmm..di ako marunong umakyat sa bakod
- Bilang isa sa mga prestihiyosong paaralan, Ang Boyshigh ang naging “trendsetter” ng mens fashion sa Baguio noong kapanahunan ko
- Sa school fountain lang ako umaasa ng free drinking water
- Pinagkamalan akong assistant principal noon
- 4th year ako ng magkaroon ako ng kauna-unahang cellphone
- 1 backyard camping at 2 outdoor camping ang pinutahan ko
- Madalas ako magattend ng ”Math Remedials” para ipasa ako ng mga guro ko
- Lagi ako tinatakasan ng mga cleaners kapag dismissal na
- Constant top nothcer ako sa regular section kahit hindi ako nag aaral
- “0” absents ako nung 3rd at 4th year ko
- Nakaakyat ako sa stage namin para magbasa ng gospel at mag “panata”
- Isang malaking kahihiyan ang pagdadala ko ng lahat ng libro ko noong first day of first year classes
- Madalas nasa gitna o unahan ako ng pila
- Ako ang tagahawak ng susi , attendance at seat plan ng klase
- Pinapapili ko ang bawat isa ng napupusuan nilang lugar sa loob ng silid aralan para lahat masaya
- February 17, 2005, huling araw na ng pag-susout ko ng scouting uniform at pagbabaon
- Umiyak karamihan ng lalaki sa recollection namin
- Hindi ko alam kung bakit ako ang nanominate ng karamihan bilang class president sa klase noong first year pa kami
- May fear of heights yung wallclock namin sa klase noong 4th year
- “taebo” yung CR namin sa camping noon